Sunday, February 3, 2008

It bleeds..It hurts!

Minsan sa pagsa-surf ko sa internet, nakita ko ang website na ito, http://forum419eaters. sa simula ay maganda ang nilalaman at magandi rin naman ang nilalayon ng mga ito. hanapin ang lahat ng mga manloloko sa internet o "scammer" sa English. Nakapanlulumo ang mga sumunod na bahagi sapagka't malaking bahagi ng website na ito ang tungkol sa love/dating scams. sa bahaging ito lumitaw ang kanilang pananaw tungkol sa mga Pinay na nagsa-surf sa internet. Kadalasang nilalaman ng kanilang mga usapan ang mga scammer na mula sa Russia at karatig bansa. Marami sa kanilang karanasan ang makakilala sa internet ng mga "babaing" Russians na sa kanilang paniniwala ay mga lalaking nagpapanggap na babae. Kadalasan sa kanila ay "makikipag-ibigan" hanggang sa naisin ng "babaing Russian", na makipagkita sa kanila.Sa puntong ito, hihingi ng pera ang mga "babaing Russian" upang gastusin sa pagsasa-ayos ng kanila papeles. Dito na lalabas ang mga paraan ng kanilang imbestigasyon.
Sa kasamaang-palad, ang Pilipinas ay ibinibilang ng mga taong ito na maraming "scammer" o manloloko. Sa isang bahagi, tinawag ng mga ito na manloloko (scammer) o pulubi (beggar) ang mga Pinay na kanilang nakaka-ugnayan sa internet. Ayon sa kanila, sa simula ay makikipagka-ibigan ang mga Pinay hanggang sa dumating sa punto na maiihinga ng ating mga kababayan ang problema sa pananalapi. Sa puntong ito, kunwari ay tutulungan ng mga ito ang ating mga kababaihan pero sa isang kondisyon. Marami sa mga ganitong pagkakataon ang hahantong sa pagsasagawa ng ating mga kababaihan ng isang "show".
Dito lumalabas ang tunay na kulay ng mga taong ito. Kunwari ay naghahanap ng mga manloloko sa internet, pero sila mismo ang mga nanloloko. Matapos ang "show", mangangako ang mga taong ito na magpapadala sila ng pera kinabukasan sa Western Union at antayin na lamang ng ating pobreng Pinay. Sa bandang huli, malalaman ng ating kababayan na wala talaga siyang aasahan. Going further, one member even captured the pictures of one Pinay doing the "show" and even encouraged the others to view it in the dedicated link.
Masakit para sa atin ang ginagawang ito ng mga ganitong klase ng tao. Pero kung iisipin, nasa atin na ring mga kababaihan ang problema. Ni hindi nga nila nakikita o nakaka-usap ng personal ang isang tao ay kaagad-agad nagtitiwala. AT hindi maliit na bagay ang kanilang ginagawa.
Kailan pa kaya matatanggap ng ating kapwa Pilipino na hindi na madali sa ngayon ang mabuhay. Kailangan ang ibayong sikap, talino at sipag. Samahan ng maraming dasal. Wala ng nakukuhang libre at madali, lahat ay paghihirapan. Sa ngayon, paaano pa natin matatanggal ang batik na ito sa ating pagkatao?